Sunday, May 3, 2020

David Ramsey’s Baby Steps (Pinoy Edition)

I was looking for answers to solve my financial problems all over the internet and came across David Ramsey’s 7 Baby Steps. David Ramsey is a well-known finance expert in America. I’m not  a financial guru but I was super inspired by his steps that I wanted to share this to my kababayans to serve as their own personal finance guide. You can also check his blog or his youtube channel for more info on these steps. 


Baby Step 1: Save $1000 for your starter emergency fund.

Maglaan ng inisyal na pundo pang-emergency.


In this step, Ramsey tells to have a starter emergency fund to prepare us for any untoward incident while doing step 2 or all other steps towards our own financial freedom.

Emergency fund should be easily accessible as cash-on-hand or easily withdraw-able in cases of emergency such as car break down, damaged phone that needs immediate fixing or replacement.

Ang intial emergency fund ay pundo na dapat isantabi at nararapat lang galawin kung saka-sakaling may emergency tulad ng biglaang pagkawala ng iyong trabaho. Nang sa ganun hindi maantala ang ibang hakbang na ating gagawin tungo sa financial freedom.

Iminumungkahi na magtabi ng maliit na halag, katumbas ng $1000, para makapag-umpisa sa iyong financial journey. Para sa ating mga Pilipino, napakalaki ng halagang Php 50,000.00. Kung susuriin, bawat bansa ay may iba’t iba ang cost of living expenses. Sa aking personal na opinyon, tayo ay dapat magtabi ng Php 5,000.00 bilang pangunahing emergency fund. Kadalasan kasi, hindi aabot sa Php 5,000.00 ang emergency needs sa Pilipinas gaya ng may hindi inaasahang pagkakasakit sa isa nating kapamilya.

 

Baby Step 2: Pay off all your debt (except the house) using the debt Snow Ball. 

Bayaran ang lahat ng pagkakautang gamit ang Debt Snow Ball.


Debt Snowball is one of the many methods to scrape off debts. The process tells you to list down all your debts and arrange it from smallest to largest amount regardless of who charges the highest interest rate and pay it one by one. Study says, Debt Snowball is more effective on dealing with debts than any other methods because it teaches you the right discipline towards money. 

Sa katunayan, nakadepende sa iyo kung saang metodolohiya ka hiyang. Aralin ang iba’t ibang paraan para mabayaran ang utang. Magresearch ng mga related topics hinggil dito. Importanteng tandaan, na sa oras na nagsisimula ka sa ano mang hakbang para makaalis sa utang, higpitan ang sinturon laban sa tukso na dadagdagan ang listahan. Mainam na gawin ang “live below your means” para magtagumpay sa step na ito.

 

Baby Step 3: Save 3-6 months of expenses fully funded emergency fund. 

Mag-ipon ng pundo pang-emergency na nagkakahalaga ng tatlo hanggang anim na buwang gastos.


Before you begin investing, Ramsey tells to stash away 3-6 months of living expenses. Just in case you lost your job, you will have enough resources to pull yourself up until another source of income comes your way. Say you are spending a total of Php10,000.00 for water, electricity, food, transportation and lunch allowance, hence you need to save a total of Php30,000.00 to Php60,000.00 for your full emergency fund.

Sa panahong lumaki ang ating income, lumalaki din ang ating gastusin. Kaya mainam na habang maliit pa ang income ay magtabi ka ng pera para sa panahon ng emergency. Iminumungkahi na magtabi ng tatlo hanggang anim na buwang pundo para sa anumang emergency tulad ng biglaag pagkawala ng trabaho. Ito ay sa kadahilanang ang tatlo o anim na buwang ay mahaba haba ng panahon para makahanap ka ng panibagong pagkakakitaan. 

Kapag nakahanap na ng panibagong pagkakakitaan siguraduhing balikan ang perang nagastos sa panahong wala kang trabaho.
 

 

Baby Step 4: Invest 15% of house hold inome in retirement. 

Maglaan ng 15% ng kita para sa pundo pang-retiro. 


The percentage that I am personally using is the 5-15-20-60 wherein I allocate 5% for life insurance, 15% for savings (addition to emergency fund, retirement), 20% for investment (if still on baby step 2, it’s for debt repayment) and 60% for expenses.

Habang bata pa or maaga pa, planuhin kung magkano ang gusto mong retirement fund. Kadalasan, ang kompyutasyon nito ay nagsisimula sap ag-estimate kung magkano ang sa palagay ang gastusin mo sa monthly expenses mo sa pagtanda at hanggang anong edad depende sa gusto mong lifestyle. For example, estimated value mo ng monthly expenses kung ikaw ay retirado na is Php30,000.00 per month considering a simple life until 95. Kung balak mong magretiro sa pagtatrabaho sa edad na 60, meron kang 35 years to live, so kinakailangan mong mag-ipon ng humigit kumulang na Php12.6 milyono mas malaki para matustusan ang iyong sarili at hindi umasa sa anak o kaanak.

 

Baby Step 5: Save for your children’s college fund. 

Mag-ipon para sa matrikula pang-kolehiyo ng iyong anak.


You need to prepare for your kid’s college fund. You can choose to place this fun to financial various vehicles such as mutual funds or etc. Maari kang magtabi ng pera sa PAG-IBIG MP2 or mag-invest sa mutual funds at iba pa.

 

Baby Step 6: Pay off your home early. 

Bayaran ng buo ang bahay.


Maraming paraan para magkaroon ng bahay. Pwede kang kumuha ng housing sa mga real estate dealer or di kaya ay bumili ng lupa na kalaunan na patayuan mo ng bahay. Sa aking personal na opinyon, napaka-ideal na huli ang pagpapatayo ng bahay dahil ito ay isang dead investment or sa iba maituturing na liability instead na asset. Hindi kasi napagkakakitaan ang bahay. Mainam din kung kakayanin na one time cash ang pagbili ng bahay kesa housing loan dahil sa interest na maaring accumulate kapag loan.

 

Baby Step 7: Build wealth and give. 

Palaguin at Magbigay.


Lastly, huwag kalimutang i-share ang mga blessings sa ating buhay para mas lalo pa tayong pagyamanin. Ang sarap din sa pakiramdam at peace of mind na makatulong sa kapwa. 



In summary, nagsisimula sa tamang disiplina sa sarili ang pagbabago ng pinansyal na takbo ng buhay mo. Happy saving and spending. 

No comments:

Post a Comment